Pinasimple na ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan sa paggamit ng own-use solar system upang mas mapalawak ang access ng mga Pilipino sa solar energy.

Sa inilabas Department Circular ng kagawaran, pinahihintulutan na ang mga kabahayan, medical facilities, at maliliit na negosyo na mag-install ng own-use solar systems sa mas pinasimpleng proseso, at mas kaunting regulatory requirements.

Kabilang dito ang self-generating facility zero export solar systems (SGF ZESS) at micro-solar systems (MSS), na nagpapahintulot sa mga consumer na gumawa ng sarili nilang kuryente nang hindi nag-e-export ng sobrang power sa distribution grid.

Sakop ng SGF ZESS ang mga bahay, clinic at ospital, habang ang MSS naman ay nakatuon sa mas maliliit na consumer grid na may kapasidad na hanggang sa one kilowatt.

Sa plinantsang panununtunan ng DOE, hindi na kailangang kumuha ng building permit at certificate of compliance mula sa Energy Regulatory Commission ang qualifying micro-solar systems.

-- ADVERTISEMENT --