
Umabot na sa 5,486 ang kaso ng leptospirosis sa Pilipinas mula Enero hanggang Agosto 27, ayon sa Department of Health (DOH).
Bagama’t 23% na mas mababa ito kumpara sa 7,163 kaso sa kaparehong panahon noong 2025, inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa mga susunod na linggo dahil maaaring umabot sa dalawang linggo ang incubation period ng bacteria.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa Cordillera Administrative Region, Metro Manila at Central Luzon. Bilang tugon, nagbukas ang DOH ng leptospirosis fast lane sa 33 DOH hospitals sa mga apektadong rehiyon, kabilang ang Cagayan Valley.
Hinikayat ng DOH ang publiko na agad magtungo sa pinakamalapit na health center kung posibleng nalantad sa baha o maruming tubig, kahit walang sugat o sintomas, upang maagapan ang sakit.









