May 77 bakanteng hospital beds para sa mga pasyente ng leptospirosis sa mga ospital ng Department of Health sa Metro Manila.

Ayon kay DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Marc Steven Capungcol, hindi pa full capacity ang buong hospital system sa NCR dahil nasa iba’t ibang pasilidad ang mga available beds. Patuloy din ang referral at redistribution ng mga pasyente para maiwasan ang pagsisikip sa ilang ospital.

Sa ngayon, nasa 526 ang mga naka-admit at 33 ang pending admissions dahil sa leptospirosis sa DOH hospitals sa Metro Manila. Gayunman, 19% na mas mababa ang kaso at nasawi kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Hinimok ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta kapag may sintomas at iwasang lumusong o maligo sa baha, na maaaring kontaminado ng bacteria na nagdudulot ng leptospirosis.

-- ADVERTISEMENT --