Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa leptospirosis matapos lumusong sa baha, kahit walang sugat o nararamdamang sintomas.

Ayon sa DOH, umabot na sa 5,486 ang kaso ng leptospirosis sa bansa mula Enero hanggang Agosto 26, 2026. May tatlong antas ng panganib depende sa dalas ng paglusong at kung may bukas na sugat.

Paalala ng mga health expert, mas mabuting agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center matapos lumusong sa baha upang malaman kung kailangan ng preventive medication o prophylaxis, kaysa hintayin pang lumitaw ang mga sintomas.

Karaniwang ginagamit ang doxycycline bilang prophylaxis laban sa leptospirosis, ayon sa National Kidney and Transplant Institute.

-- ADVERTISEMENT --