Naka-alerto na rin ang Department of Health (DOH) kasunod ng public health emergency declaration ng Africa Centers for Disease Control and Prevention dahil sa lumalalang kaso ng mpox.

Una nang kumalat ang naturang sakit sa ilang mga African countries kung saan ilan sa kanila ay nagdekalra na ng outbreak.

Bagaman walang mga bagong nakitang kaso ng mpox sa Pilipinas, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na kailangang magbantay ng pamahalaan upang matiyak na hindi ito kumalat sa bansa.

Sa kasalukyan, nananatili pa rin sa siyam na kaso ng mpox ang nasa talaan ng Pilipinas.

Kinabibilangan ito ng apat na kaso na natukoy noon pang 2022 at limang na-detect noong 2023.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pinakahuling kaso ng mpox na naitala ng Pilipinas ay noong December 2023

Ilan sa mga palatandaan ng naturang sakit ay ang lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, pagkahapo, pananakit ng ulo, atbpa.

Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng pakikihalubilo o pakikipagtalik sa mga taong apektado ng naturang sakit at physical contact sa mga kontaminadong bagay at mga hayop.