Nagsagawa ng Code White Alert ang Department of Health (DOH) mula ngayong araw, Abril 13 hanggang Abril 20, 2025 bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng tao sa biyahe, simbahan, at mga pagtitipon ngayong Semana Santa.

Layon ng alerto na tiyakin ang kahandaan ng mga ospital at medical personnel para agad makatugon sa anumang health emergencies tulad ng aksidente, injury, o sakit.

Hinimok ni DOH Secretary Ted Herbosa ang publiko na mag-ingat, lalo na sa matinding init ng panahon na maaaring magdulot ng heat stroke at pagkapanis ng pagkain.

Paalala niya, ang patuloy na pag-obserba ng minimum health standards at ang pagiging maingat sa biyahe at paghahanda ng pagkain.

Tiniyak din ng kalihim na ang mga DOH hospitals ay bukas at handang magbigay ng serbisyong medikal para sa lahat ng nangangailangan ngayong Semana Santa.

-- ADVERTISEMENT --