TUGUEGARAO CITY-Planong magsagawa ang Department of Health (DOH)Region 2 ng intensified Tuberculosis screening sa mga kulungan upang masigurong ligtas ang mga Person Deprived of Liberty sa nasabing sakit.

Ayon kay Dr. Janet Ibay ng DOH-Region 2, malaki ang tiyansa na makapitan ng sakit na Tuberculosis o TB ang mga PDL dahil siksikan sa ngayon ang nga kulungan sa bansa.

Aniya, mabilis maihawa ang sakit na TB kung kaya’t puspusan din ang kanilang ginagawang hakbang upang maiwasan ang nasabing sakit.

Bukod sa mga PDL, “high risk” o napakadelikado din ang nasabing sakit sa mga senior citizen, mga taong naninigarilyo, cancer patient, HIV patient at mayroong diabetes.

Samantala, sinabi ni Ibay na bigo ang kanilang ahensiya na maabot ang target na detective patient na mayroong tuberculosis.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Ibay na maglulunsad ang kanilang hanay ng intensified case finding sa ilalim ng kanilang catch up plan 2019.

Kaugnay nito, hinimok ni Ibay ang publiko na nakakaranas ng mga sintomas ng TB tulad ng dalawang linggong tuloy-tuloy na ubo na agad magpakunsulta sa pagamutan.