Target ng Department of Health o DOH Region 2 na magagawa at maipatutupad ang nasa ilalim ng kanilang development plan para sa pagtatayo ng specialty centers sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwan ng ahensiya.
Sinabi ni Amelita Pangilinan, director ng DOH Region 2, 16 ang plano na ipapatayo na specialty center sa rehion at umaasa sila na magagawa ito bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Pangilinan na tugon ito sa layunin ng administrasyong Marcos at decentralization ng mga specialty clinic upang hindi na kailangan na pumila pa sa Metro Manila ng mga pasyente.
Tugon din ito sa Regional Specialty Act na akda ni Senator Bong Go na naglalayong maipatupad ang institutionalization ng healthcare centers.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Cherrylou Antonio, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center na sa ngayon ay lima na ang operational na specialty center ng pagamutan mula sa 14 na kailangan na maipatayo sa ospital.
Ayon sa kanya, patuloy ang pagpapatayo ng mga pasilidad at mga kagamitan maging ang hiring ng mga tauhan na kailangan sa mga nasabing specialty center.
Nag-ulat din ang mga pinuno ng mga pagamutan na nasa ilalim ng DOH ng update sa operasyon ng kanilang mga ospital.
Ito ay kinabibilangan ng Sourthern Isabela Medical Center, kung saan at kasalukuyan na ang kanilang pagbili ng mga kagamitan para sa specialty clinic sa dermatology, burn unit ay geriatic center at iba.
Ayon naman sa Region 2 Trauma and Medical Center na ang bago sa pagamitan ay ang oncology para sa caner patient at gumagana rin ang kanilang alternative at traditional medicines ng pagkilala.
Nagpasalamat naman ang pinuno ng Batanes Medical Center sa mga kagamitan na ibinigay sa kanila ng DOH.
Sunbalit, kulang pa umano ang mga ito para maibigay ang maayos na serbisyong medikal sa mga mamamayan ng lalawigan.