Tinututukan ng Department of Health (DOH) ang napaulat na suspected pneumonic plague case sa Russia, habang patuloy na mino-monitor ng mga health authorities ang posibleng panganib sa kalusugan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagsasagawa ang Pilipinas ng mga kinakailangang hakbang at sinusunod ng DOH ang mga rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).

Nakaalerto rin ang mga lokal na health authorities kaugnay ng napaulat na kaso.

Una nang iniulat ang pagkamatay ng isang laboratory worker sa Irkutsk, Siberia, na nagtatrabaho sa isang institusyong nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa plague.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ng Russia kung pneumonic plague ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --