Itinanggi ng health regulator ng Russia ang mga ulat na may ikalawang taong nagkasakit matapos makasalamuha ang 28-anyos na laboratory worker na namatay sa Siberia.

Ayon sa regulator, natapos na ang pagsusuri sa lahat ng nakasalamuha ng namatay at walang nakitang infectious disease.

Lumabas din umano sa halos 5,000 laboratory tests na walang mapanganib na pathogen.

Gayunman, hindi pa rin tiyak kung ang pagkamatay ng laboratory worker na si Darya Shipilova noong Oktubre 2 ay dulot ng plague.

Pneumonia na hindi pa matukoy ang sanhi ang naunang iniulat na dahilan ng kanyang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy namang humihingi ng impormasyon ang World Health Organization sa Russia kaugnay ng mga ulat ng ikalawang kaso.