Inihayag ni Dr. Glenn Mathew Baggao, undersecretary ng Department of Health (DOH) na isang karangalan na isa sa siya sa anim na nakatanggap ng Presidential Lingkod Bayan award na programa ng Civil Service Commission (CSC).

Isinagawa ang awarding ceremony kahapon sa MalacaƱang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga opisyal ng CSC.

Sinabi ni Baggao na iniaalay niya ang parangal sa lahat ng staff ng Cagayan Valley Medical Center.

Ayon sa kanya, isinagawa ang evaluation noong nominee siya sa nasabing award noong siya pa ang medical center chief ng CVMC.

Pinagbasehan sa award ang kanyang mga nagawa sa CVMC sa tulong ng lahat ng staff ng ospital, kung saan marami ang naipatayong specialty centers at iba pang gusali.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito ay naisabatas ang kanilang inisyatiba na gawaing 1,000 capacity beds mula sa 500 ang CVMC.

Sinabi ni Baggao na nagbukas din ito ng maraming job opportunities sa ilang health workers.