TUGUEGARAO CITY- Hindi umano nagkukulang ang Department of Health Region 2 sa pagbibigay ng assistance sa mga drug respondents sa ilalim ng Community Base Rehabilitation and Wellness Program sa ilalim ng Inter-agency Comittee.

Reaksion ito ni Christine Balangue,dangerous drug and abuse and prevention coordinator ng DOH Region 2 sa pagbabalik ng ilang drug repondents sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga pagkatapos ng kanilang pagsasailalim sa programa.

Ayon kay Balangue,sa kanilang panig ay tiniyak niyang sapat ang kanilang ibinibigay na tulong tulad na lamang ng referals at mga gamot.

Sinabi naman ni Lexter Guzman,health education and perevention division na hindi madaling gamutin ang drug addiction dahil ito ay chronic relapsing disease.

Ayon sa kanya, hindi naiiwasan ng mga sumailim sa rehabilitation na bumalik sa kanilang dating bisyo lalo na kung ang kanilang babalikang lugar at apektado ng iligal na na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi niya na mahalaga ang papel ng pamilya at ang komunidad para sa tuluyang pagbabago ng isang drug addict.

Kasabay nito, sinabi ni Guzman na hindi sila sang-ayon sa mga pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga dahil naniniwala sila na maaari pang magbago ang mga ito.

Sa ngayon ay may 81 drug surrenderers ang sumasailalim sa rehabilitation sa rehab center sa Ilagan City.