Aapela ang Department of Justice (DOJ) sa acquittal ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kasong murder kaugnay sa pagkamatay ng dating provincial board member na si Miguel Lopez Dungog noong 2019.

Ayon kay DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, pinag-aaralan ng opisina ang lahat ng paraan upang kuwestyunin ang desisyon ng Manila RTC Branch 15, kabilang ang motion for reconsideration o appeal sa mas mataas na hukuman.

Binanggit niya na ang acquittal ay dahil sa demurrer to evidence na inihain ni Teves at ng kanyang co-accused na sina Richard Cuadra at Rolando Pinili, kung saan hiniling nilang ideklarang insufficient ang ebidensya laban sa kanila. Sinabi ng hukuman na isa lamang ang testigo laban kay Teves at hindi ito sapat.

Ayon kay Fadullon, maaari pa ring kuwestyunin ang desisyon. Samantala, nananatili si Teves sa kustodiya dahil sa iba pang pending non-bailable cases.

Patuloy pa rin siyang nahaharap sa 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder, 4 counts ng attempted murder, at iba pang kasong kriminal at paglabag sa batas sa iba’t ibang RTC sa Manila at Negros Oriental.

-- ADVERTISEMENT --