Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na nasa loob ng batas ang naging kilos ng mga pulis sa isinagawang raid sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City, at ibinasura ang mga reklamong inihain ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang reklamo ay isinampa laban kina dating DILG Secretary Benhur Abalos at mga opisyal ng PNP sa pangunguna ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil.
Kabilang sa mga reklamong isinampa ni Duterte ay malicious mischief at paglabag sa karapatan sa tirahan (violation of domicile) kaugnay ng pag-raid at pagkaka-aresto sa KOJC leader na si Apollo Quiboloy noong Hunyo 10, 2024.
Ayon sa DOJ, walang sapat na batayan upang ituloy ang kaso dahil walang malinaw na ebidensya ng masamang intensyon o personal na pagkakasangkot sa sinasabing krimen.
Sa inilabas na joint resolution ni Davao City Acting Prosecutor Angelica Laygo-Francisco noong Mayo 13, sinabi niyang walang probable cause upang sampahan ng kaso ang mga inirereklamo.