
Nagsagawa ng ocular inspection ang Department of Justice o DOJ sa Senado bilang bahagi ng nagpapatuloy nitong imbestigasyon sa mga pangyayaring naganap sa upper chamber mula Mayo 11 hanggang 14.
Ayon kay Justice Undersecretary Ian Dato, isinagawa ang inspeksyon noong Hunyo 30 at humiling na rin ang panel ng mga prosecutor ng mga dokumento, kabilang ang CCTV footage at iba pang ebidensyang mahalaga sa imbestigasyon.
Patuloy ding inaalam ng DOJ kung may pananagutan ang sinumang posibleng tumulong sa pagtakas ni Senator Ronald Dela Rosa matapos ang insidente ng pamamaril noong Mayo 13. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang case build-up at wala pang inilalabas na pinal na resulta ng imbestigasyon.










