
Naglabas ng paglilinaw ang Department of Justice na ang tumatakas na dating kongresista na si Zaldy Co ay hindi “inaresto” sa Czech Republic — binago ang terminology na ginamit ng mismong pangulo nang ianunsyo nito na si Co ay “nahuli na” at nasa “custody” noong nakaraang linggo.
Ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Polo Martinez, hindi maaaring gamitin ang salitang “arrest” dahil walang nakabinbing warrant laban kay Co sa halip siya ay “liberty restrained” sa Czech Republic.
Ang dating mambabatas ay nahuli sa hangganan ng Germany matapos pumasok mula sa Czech Republic at nananatili pa rin sa hurisdiksyon ng mga awtoridad ng Czech.
Samantala, umalis si Justice Secretary Fredderick Vida patungong Czech Republic kahapon upang tuklasin ang iba’t ibang legal na opsyon, tulad ng deportation o extradition, para mapabilis ang pagbabalik sa Pilipinas ng dating party-list lawmaker na si Co.
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) noong Huwebes ang biyahe ni Vida.
Sasamahan siya ni Dennis Chan upang makipagpulong sa kanyang mga counterpart at alamin kung paano mapipilit ng pamahalaan ng Pilipinas si Co na humarap sa kanyang mga kaso sa Sandiganbayan.
Idineklara si Co bilang isang fugitive of justice, dahil siya ay nahaharap sa tatlong warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan noong Nobyembre kaugnay ng mga kasong graft at malversation na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.










