CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Department of Justice (DOJ)-Region 02 sa mga kumukontra sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Law na bigyan ito ng pagkakataon.

Sa ipinatawag na online community based dialogue ukol sa nasabing batas, sinabi ni Prosecutor Rodolfo Banatao Jr.,Assistant Regional Director ng DOJ na ang mga takot sa Anti-Terror Law ay ang mga gumagawa ng terroristic activities.

Binigyang diin ni Pros. Banatao na hayaan na ang korte suprema na magdesisyon ukol sa constitutionality ng bagong batas.

Maging si Atty. Gelacio Bonggat, Director ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 02 ay sumang-ayon din sa nasabing batas dahil mayroon naman aniyang itinakdang safety measures para hindi ito abusuhin ng mga law enforcers.

Matatandaan na ilang grupo ang naghain ng petisyon sa supreme court para hamunin ang constitutionality ng Republic Act 11467.

-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ng ilang sektor ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terror Law dahil sa anila’y malabong definition ng salitang “terorismo” na posible umanong gamitin laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Sa nasabing dialogue, nagpahayag ng agam-agam ang mga tutol dito na kinabibilangan ng anti-mining group at progresibong grupo na iniuugnay sa mga makakaliwang new peoples army o npa na binansagang terorista. with reports from Bombo Marvin CAngcang