Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang patas na pagproseso sa mga reklamo laban kay Bise Presidente Sara Duterte na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay DOJ Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano, maaaring ilabas ang resulta ng pagsusuri sa mga susunod na araw.
Ang mga resulta ng pagsusuri ay magpapasya kung itutuloy ang kaso sa preliminary investigation o kung kinakailangan pa ng karagdagang ebidensya upang makapagsimula ng kaso.
Binigyang-diin ni Clavano na susundin ang due process, kaya bibigyan si Duterte ng pagkakataon na magsumite ng counter-affidavit.
Inaasahan din niyang gagamitin ni Duterte ang pagkakataong ito upang linisin ang kanyang pangalan.
-- ADVERTISEMENT --