Magbibigay-daan ang pagsasaligal sa medical marijuana sa Pilipinas na lalo pang ma-develop at maibenta sa bansa ang cannabis-based product na ginawa ng award-winning company, ayon sa Department of Science and Technology.

Pinuri ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. si Richard Nixon Gomez at kanyang anak na si Rigel Gomez sa pagkapanalo nila ng tatlong gold medals sa Grand Prix 2024 sa E-NNOVATE International Invention & Innovation Summit in Krakow, Poland nitong nakalipas na linggo.

Napanalunan ng Bauertek Farmaceutical Technologies ng pamilya Gomez para sa CanCur, PiCur at ang Black Garlic food supplement na ginawa sa tulong ng Mariano Marcos State University.

Sinabi ni Solidum na sa ecosystem ng innovation, kailangan ng mga gumagana na polisiya at mga batas upang magawa ang innovation.

Idinagdag pa niya na kung hindi magiging mabilis ang bansa sa pagsusulong ng mass production ng isang magandang innovation, hindi mapipigilan ang ating innovators na pumunta sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Ang CanCur ay may layunin na matulungan ang mga pasyente na may epilepsy, Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, anxiety, depression, sleep disorders at pain management.

Ang PiCur naman ay sinasabing isang mabisa na natural antioxidant na makakatulong umano para mapigilan ang angiogenesis sa tumor cells.

Ito ay ginagamit para sa panggagamot ng breast cancer, prostate cancer, cervical cancer, colon cancer at iba pang common illnesses.

Habang ang Black Garlic naman ay para matulungan ang mga pasyente na may nerve disorders at ang mga may ibang uri ng cancer.

Tampok sa E-NNOVATIVE ngayong taon ang mahigit 200 entries mula sa 25 na bansa.