
Taktika lang umano ni Vice President Sara Duterte ang pagdedeklara nang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 upang depensahan ang impeachment proceeding laban sa kanya.
Ayon kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, napakalayo pa ng 2028 subalit nagdeklara na si Duterte na hindi rin naman umano mananalo.
Sinabi ni Gadon na naniniwala siya na hindi mananalo si Duterte dahil ang pulitika sa bansa ay nahahati sa dalawang pangunahing kampo, ang Marcos at ang mga Aquino.
Ayon sa kanya, natural lamang na hindi iboboto ng Marcos loyalists at ang mga Ilocanong Solid Northna hanggang Mindanao at napakaraming Ilocano na tinatawag na “Waray.”
Idinagdag pa ni Gadon na maging ang oposisyon ay hindi umano papanig o sasama sa kandidatura ni Duterte.










