
Palalakasin ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalaganap ng science, technology, and innovation (STI) sa publiko sa pamamagitan ng mga bagong multimedia programs.
Simula Hunyo 13, magtatampok ng mga teknolohiya at proyektong isinusulong ng DOST na makatutulong sa kabuhayan, negosyo, at ekonomiya.
Ayon sa DOST, layunin ng programa na ipakita kung paano nakatutulong ang agham at teknolohiya sa mga MSMEs, magsasaka, mangingisda, LGUs, at iba’t ibang komunidad.
Samantala, ilulunsad naman sa Hunyo 11 ang “Sci.Say,” na mapapanood tuwing Huwebes, alas-6 ng gabi, sa Spotify, YouTube, at opisyal na website ng DOSTvPH.
Layunin ng programa na gawing mas simple, mas masaya, at mas madaling maunawaan ang usapang agham, lalo na para sa kabataan at digital audiences. Magkakaroon din ito ng mga panayam at talakayan kasama ang mga scientist, researcher, at eksperto.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., bahagi ito ng pagdiriwang ng 10 years of bringing science closer to every Filipino through stories of innovation, discovery and opportunity.










