Target ng Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng demo run ng Metro Manila subway sa unang quarter ng 2028.

Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, ang demo run ay magsisimula sa East Valenzuela hanggang Quirino Avenue.

Ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay sinimulan noong 2019.

Kapag ito ay natapos, magkakaroon ito ng 17 stations mula Valenzuela City hanggang Pasay City, na may kasamang spur line patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang 17 stations ay matatagpuan sa Valenzuela, Quirino Highway, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan (Camp Aguinaldo), Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, Kalayaan Avenue, Bonifacio Global City, Lawton East, Senate-DepEd, NAIA Terminal 3, FTI, at Bicutan.

-- ADVERTISEMENT --