KinuwestIyon ni Senador Panfilo “Ping” M. Lacson kung bakit patuloy na namemerwisyo sa mga Pilipino ang baha sa kabila ng taunang pagtaas sa budget para sa flood management program ng pamahalaan.
Ani Lacson, kahit P2 trilyon na ang ginastos ng Department of Public Works and Highways para sa flood management mula 2011 o P350 milyon kada araw ay tila hindi pa rin nawawala ang problema.
Tiniyak ni Lacson na gigisahin niya ang mga opisyal na may kinalaman sa mga flood control project.