
Kinondena ng mga biktima ng war on drugs ang mga alegasyon na ang pamahalaan o komunistang grupo ang nagpondo para sa kanilang biyahe para dumalo sa confirmation of chares hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sa International Criminal Cout (ICC).
Sinabi ni ICC assistant to counsel Kristina Conti na ang tumulong sa mga biktima ng war on drugs ay mga non-government organization at private individuals na sumusuporya sa rule of law at hustisya.
Kasabay nito, hinamon ni Conti ang mga nag-aakusa na patunayan ang kanilang alegasyon, at iginiit na walang ginamit na pera ng bayan sa biyahe ng mga biktima ng ward on drugs sa kanilang biyahe sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa kanya, ang halaga ng isang linggong biyahe ng drug war victims sa Netherlands at P200,000 per head mula sa iba’t ibang grupo.
Bukod sa mga malisyosong impormasyon, binatikos din ng drug war victims at kanilang supporters ang banta at online harassment laban sa kanila at kanilang mga pamilya.









