Handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng pananalasa ng Bagyong Crising.
Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, may naka-preposition nang mahigit tatlong milyong kahon ng family food packs sa 935 warehouses sa buong bansa.
Ito’y upang masigurong mabilis ang tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan sa Palawan, Camiguin, Southern Leyte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands — na posibleng tamaan ng malalakas na pag-ulan.
Bukod sa food packs, may nakaimbak ding ₱773 milyong halaga ng non-food items tulad ng hygiene kits, sleeping kits, at pansamantalang gamit para sa evacuation centers.
Ang kahandaan ng DSWD ay bahagi ng programang Buong Bansa Handa, na sinusuportahan ang mabilis at sapat na relief operations tuwing panahon ng kalamidad.