Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na sapat at naka-preposition ang mga family food packs (FFPs) sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Severe Tropical Storm Julian.
Ayon kay Assistant Secretary for Disaster Response Management Group at Spokesperson Irene Dumlao, may kabuuang 153, 575 Family food packs ang nakaantabay sa mga probisniya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Apayao, Mountain Province, Abra, Benguet, at Kalinga
Bukod naman sa Luzon, mayroong kabuuang 17,621 FFPs ang nakaantabay din sa mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental na inaasahang tatamaan ng paparating na sama ng panahon bukod pa sa magdadala ito ng mga biglaang pag-ulan.