Tiniyak ng Departmet of Social Welfare and Development Region 2 ang kahandaan at kasapatan ng resources nito sa pagtugon sa posibleng maaapektuhan ng bagyong Aghon sa Region 2.

Base sa datos, umaabot sa halos P140M ang halaga ng food and non-food items na nakaimbak sa kanilang mga bodega sa limang lalawigan at maging ang mga naka-preposition sa mga LGU.

Nasa 66,734 na family food packs ang handang maipamahagi at maidagdag sa suplay ng mga LGU, habang nasa 14,591 naman ang non-food items.

May naihanda namang mahigit P4.3M na standby fund para sa emergency purchases.

Una na ring nakibahagi sa pagpupulong sa kanilang central office ang field office 2 kung saan pinatiyak ang kahandaan ng resources at mga istratehiya ng ahensiya para sa disaster response operations.

-- ADVERTISEMENT --