TUGUEGARAO CITY- Magsasagawa ng inspeksion ang Department of Trade and Industry sa mga de-kuryenteng palamuti para sa pasko sa susunod na buwan.

Sinabi ni Felicidad Baylon, OIC director ng DTI-Cagayan na ito ay para matiyak na lahat ng ibinebentang de-kuryenteng palamuti ay may authentic na International Commodity Clearance o ICC mark para sa mga produkto na mula sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Baylon na nangangahulugan na ligtas gamitin ang mga produkto na may ICC mark.

Bukod dito, sinabi ni Baylon na dapat na may label ang isang produkto.

ang tinig ni Baylon

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Baylon na ituturo nila sa consumers sa susunod na mga araw ang App para matukoy kung tunay o peke ang isang ICC mark o Bureau of Product Standard o BSP mark para sa mga produkto na gawa dito sa Pilipinas.

muli si Baylon