Kinumpirma ng Malacañang na nagbitiw sa kanyang puwesto si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nagbitiw si Pascual para bumalik sa pribadong sektor.
Magiging epektibo ang kanyang resignation bukas, August 2.
Sinabi pa ng PCO na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resignation ni Pascual sa pulong sa Malacañang.
Ayon sa PCO, wala pang pinangalanan na papalit kay Pascua.
Kinumpirma din ni Pascual ang kanyang resignation.
Kasabay nito, pinasalamatan niya si Marcos sa ibinigay na oportunidad sa kanya at ang mapabilang sa gabinete ay isang malaking prebelihiyo at karalangan.
Sinabi pa ni Pascual na ang kanyang papel bilang DTI chief ang isa sa pinaka-challenging at fulfilling na karanasan sa kanyang karera.