Pumasok na si dating President Rodrigo Duterte sa Hague Penitentiary Institution o ang Scheveningen Prison kung saan siya mananatili habang hinihintay ang paglilitis ng International Criminal Court (ICC) para sa “crimes against humanity” sa war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.

Nagtipon-tipon naman ang mga supporter ni Duterte sa labas ng kulungan at sumigaw ng “We love Duterte” at “Bring him back” habang papasok ang convoy sa pasilidad.

Dadalhin si Duterte sa ICC judge sa The Hague sa susunod na mga araw para sa initial appearance.

Una rito, sinabi ni Duterte sa isang video message na maayos ang kanyang kalagayan.

Ayon sa kanya, ang pag-aresto sa kanya ay maaaring may kaugnayan sa law and order.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na maaaring ito ay bunga na ng kanyang utos sa PNP at militar na magtrabaho at aakuin niya ang lahat ng resulta ng kanilang mga ginawa sa war on drugs.