Sumama ang mga kinatawan ng Pilipinas sa mga delegasyong lumabas sa session hall habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa 81st United Nations General Assembly.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ginawa ito bilang pakikiisa sa panawagan para sa two-state solution at kapayapaan sa Middle East.

Sa kanyang talumpati sa UN, iginiit ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro ang suporta ng Pilipinas sa karapatan ng mga Palestinian na magpasya para sa kanilang sariling kinabukasan.

Sinabi rin ni Lazaro na nananatiling mahalagang daan sa pangmatagalang kapayapaan ang pagkakaroon ng Israel at Palestine na magkatabing namumuhay nang mapayapa at ligtas.