Umarangkada na ngayong araw ang pagbubukas ng early registration sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Sa anunsyo ng Department of Education (DepEd), saklaw ng registration ang mga mag-aaral na papasok sa Kindergarten, at yung mga nasa Grades 1, 7 at 11 para sa School Year 2026-2027.

Ayon sa ahensya, ang maagang pagpapa-register ay mahalaga dahil matutulungan nito ang mga paaralan na malaman ang bilang ng mga estudyanteng inaasahan para sa school year.

Dahil umano rito ay makapagpaplano ang mga schools kung sasapat ba ang kanilang mga resources.

Bukas ang early registration hanggang February 27.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, bagaman hindi mandatory, hinihimok ng tanggapan ang mga pribadong paaralan na magsagawa rin ng early registration.