
Umabot na sa higit 2,500 ang nasawi sa Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo, ayon sa United Nations.
Ayon kay UN Ebola coordinator Julien Harneis, mabilis na kumakalat ang virus sa lugar na mas malawak pa sa France, habang nahihirapan ang mga health worker na makontrol ang outbreak dahil sa kakulangan ng pondo at pag-atake ng ilang residente.
Tinatayang 160 health worker na ang nahawa, kabilang ang 43 na namatay. Sa nakalipas na anim na buwan, mahigit 260 insidente ng pag-atake sa mga health worker ang naitala, kabilang ang pagkasunog at pagbato sa mga ambulansya at pag-atake sa mga health facility.
Nanawagan si Harneis ng karagdagang tulong dahil inaasahang mauubos sa loob ng ilang linggo ang kasalukuyang pondo para sa pagtugon sa outbreak.










