TUGUEGARAO CITY-Naniniwala ang Ecowaste Coalition na mas makakadagdag ng mga basura ang panukalang batas na “Isang kilong basura”,isang kilong bigas”

Sinabi ni Aileen Lucero,national coordinator ng nasabing grupo na posibleng magbunsod ito ng lalo pang pagdagdag ng mga residente ng mga basura para mas marami silang makukuhang bigas

Bukod dito, sinabi niya na hindi rin malinaw sa panukala kung kokolektahin ang lahat ng basura at kung sakali man ay kung saan dadalhin ang mga basura

Dahil dito, sinabi ni Lucero na kailangan lamang na mahigpit na ipatupad ang mga naipasa nang batas ukol sa tamang pagtatapon ng mga basura at ang pangangalaga sa ating kalikasan ang RA 6969 o ang  Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990 at RA 9003 o ang Solid Waste Management Act

Kasabay nito,pinayuhan ni Lucero ang mga Local Government Units na i-adopt ang “refill revolution” o ang pagkakaroon ng sistema sa paggamit ng mga plastik

-- ADVERTISEMENT --