TUGUEGARAO CITY- Inaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force ang kahilingan at rekomendasyon ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na palawigin muli ang Enhanced Community Quarantine hanggang.
September 5, 2021.

Ito ay bunga na rin ng patuloy na pagtaas pa rin ng kaso ng covid-19 sa lungsod.

Una rito, nakipag-ugnayan si Mayor Jefferson Soriano at sangguniang panlungsod sa business sector at iba pa para isangguni sa mga ito ang rekomendasyon ng health sector na kailangan pang palawigin ang ECQ dahil sa nasa critical level pa rin ang health care utilization rate sa mga ospital at upang mapababa ang active cases ng virus sa lungsod.

Sinang-ayunan naman ito ng business sector at nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa mga hakbang ng LGU para malabanan ang covid-19.

Sa datos kahapon, may 60 new cases ang lungsod na dahilan para maitala ang 1,335 na active cases, apat ang panibagong namatay at ngayon ay umaabot na sa 268 ang covid-19 related deaths at sa kabuuan ay mayroon nang 11, 146 ang tinamaan ng covid-19 buhat ng magsimula ang pandemic.

-- ADVERTISEMENT --