
Binigyang-pugay ni Deputy Majority Leader JV Ejercito ang hakbang ng administrasyong Marcos na siguraduhin ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may watawat ng Pilipinas at mga Pilipinong seafarers sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Ejercito, makakatulong ang kasunduang ito sa paghahatid ng mahalagang langis at pataba sa bansa at makapagmamanage ng volatility sa presyo ng langis. Binanggit niya rin ang direktang epekto nito sa ekonomiya, lalo na sa presyo ng bilihin at pamasahe.
Hinimok ni Ejercito ang gobyerno na magbigay ng maximum na tulong at pansamantalang suspindihin ang excise tax sa petrolyo upang hindi maapektuhan ang mga industriya, agrikultura, at transportasyon.
Si Ejercito rin ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 12316 na nagbibigay kapangyarihan sa presidente na bawasan o suspindihin ang fuel excise taxes, at siya ring may-akda ng Senate Resolution No. 43 para sa komprehensibong tugon sa oil supply crisis.
Aniya, umaasa siya na ang kasunduang ito ay maisasabuhay at mananatiling epektibo upang maibsan ang problema sa supply at presyo ng langis sa bansa.










