Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na ita-transmit ang election results pagkatapos ng oras ng botohan para sa May 12 polls.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ito ay upang mawala ang pangamba na magkaroon ng hacking at alegasyon ng maagang transmission ng resulta ng halalan.

Ayon kay Garcia, hindi magta-transmit ng resulta ang mga makina sa PPCRV, NAMFREL, majority at minority parties, sa Comelec central server, media server, at canvassing centers bago ang 7:00 p.m.

Kasabay nito, sinabi ni Garcia na may mga bagong features ang automated counting machines (ACMs) para sa eleksion, kabilang ang tatlong araw na battery life.

Idinagdag pa niya na iyi-imprinta ng ACMs election resturns (ERs) bago ang transmission ng mga resulta sa election servers, kabilang ang inilaan para sa election watchdogs, majority at minority parties, at canvassing boards.

-- ADVERTISEMENT --