CTTO: TFLC Iguig

Electrical short circuit ang itinuturong dahilan ng sunog sa isang lumang bahay sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay SFO3 Visitacion Martires ng BFP Iguig, sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Domingo Mallo III, 45-anyos at residente sa Barangay Nattanzan.

Ayon kay Martires, mabilis kumalat ang apoy dahil karamihan ay gawa sa kahoy at may kalumaan na rin ang connection ng kuryente na naging dahilan ng sunog.

Agad rin namang naapula ang sunog ng mga rumespondeng bumbero makalipas ang halos isang oras at walang naiulat na nasugatan o nadamay na bahay.

Inaalam pa ng BFP ang kabuuang halaga ng natupok ng apoy kung saan tanging laptap lamang ang naisalba sa natupok na bahay.

-- ADVERTISEMENT --