Dead on arrival ang isang empleyado ng kapitolyo ng Cagayan matapos mabangga ang kanyang motorsiklo sa sementadong canal sa Brgy. Palca, Tuao, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Jhun Jhun Balisi, hepe ng PNP Tuao ang biktima na si Nestor Apoldo, 65 anyos at residente ng Brgy. Naruangan sa nasabing bayan.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nangyaring aksidente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing sa north direction ng Palca, Tuao ang biktima at pauwi na sana sa kanilang tahanan sa Brgy.Naruangan nang mangyari ang insidente.

Pagdating niya sa palikong daanan pauwi sa kanilang bahay ay nawalan ito ng kontrol sa manibela, bumangga at sumemplang sa irrigation canal at posibleng naunang tumama ang kanyang ulo.

-- ADVERTISEMENT --

Napag alaman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima at mabilis ang pagmamaneho nito nang mangyari ang insidente.