AMULUNG INFORMATION OFFICE

Dead on the spot ang isang inhinyero matapos sumalpok ang minamanehong toyota hilux sa isang trailer truck sa bayan ng Amulung.

Kinilala ang biktima na si Mario Usal, 60-anyos, supervisor ng kilalang trading company sa Tuguegarao City at residente ng Macanaya, Aparri, Cagayan.

Ayon kay PCAPT Llewilyn Guzman, hepe ng Amulung Police Station, naganap ang aksidente pasado alas dos ng hapon at nasa magkasalungat na direksiyon ang dalawang sasakyan sa national highway ng Barangay Babayuan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pagdating sa pakurbadang bahagi ng lansangan ay nag-overtake ang biktima sa sinusundang multicab at kamuntik na mabangga ang nakasalubong na patrol car ng PNP Aparri hanggang sa sumalpok ito sa kanang bahagi ng trailer truck na may kargang bigas hanggang sa sumalpok sa poste ng kuryente.

Sa tindi ng pagkakasalpok ay nawasak ang harapang bahagi ng toyota hilux kung saan naipit ang biktima na kaagad isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng umasikasong duktor.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Guzman, matulin ang takbo ng biktima kung saan umagaw ito ng linya sa ‘no overtaking zone’.

Wala namang natamong sugat sa katawan ang driver ng truck na kinilalang si Marwin Bareto, 30-anyos ng Camalaniugan, Cagayan.