Tinanggal na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sina dating Bulacan first district assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, ayon kay DWPH Secretary Vince Dizon.
Sinabi ni Dizon na ang iba naman ai sinimulan na ang proseso para sa kanilang dismissal sa DPWH.
Unang sinabi ni Dizon na tinanggal si dating Bulacan first district engineer Henry Alcantara sa ahensiya.
Kasabay nito, sinabi ni Dizon na mas nadagdagan pa ang mga contractor na blacklisted mula sa DPWH dahil sa mga maanomalyang flood control projects.
Ang tinutukoy ni Dizon ay ang mga kontratista na respondents sa graft complaint na inihain ng DPWH sa Office of the Ombudsman kahapon, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
St. Timothy Construction Corporation
SYMS Construction Trading
Wawao Builders
IM Construction Corporation
Samantala, naglabas kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order para sa paglikha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Nakasaad sa Executive Order No. 94, na ang ICI ay bubuuin ng chairperson at dalawang miyembro na may napatunayang competence, integrity, probity, at independence.
Ayon sa EO, prayoridad ng ICI na magsagawa ng imbestigasyon sa flood control at iba pang infrastructure projects sa nakalipas na 10 taon mula sa effecticity ng kautusan.
At kung may mapapatunayan na may mga maanomalyang mga proyekto, ay magsasampa sila ng kaukulang mga kaso laban sa mga sangkot.