Pinakakasuhan ng Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao si Cagayan 3rd District Engineer Esmeralda De Guzman ng Department of Public Works and Highways kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapatupad ng mga proyekto sa lungsod.

Tinukoy ni Mayor Maila Que ang pagsira sa maayos pang kalsada at nang mabisto ay tinapalan ng buhangin sa bahagi ng CSU-Carig road, sa kabila ng suspension order sa lahat ng reblocking activities sa buong bansa.

Sakaling aprubahan ng Sangguniang Panglungsod, mahaharap si De Guzman ng kasong administratibo at kriminal.

Nauna na ring inirekomenda ni Mayor Que, kasama ng dalawa pang alkalde kay DPWH Sec Vince Dizon ang pagpapatalsik kay De Guzman upang maimbestigahan ng independent commision ang mga kwestyonableng proyekto sa ikatlong distrito ng Cagayan.

Umaasa naman ang alkalde na bibisita si Dizon sa lungsod upang personal na makita ang mga palpak na proyekto na nagdudulot ng trapiko at pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --