
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating Senate President at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa natitira niyang kasong graft may kaugnayan sa umano’y diversion ng P172.8 million na public funds na konektado sa pork barrel scam.
Pinawalang-sala din ng Special Third Division ng anti-graft court ang dating chief of staff ni Enrile si Lucila “Gigi” Reyes, at negosyanteng si Janet Lim Napoles sa 15 bilang ng graft sa isinagawang promulgation sa kaso kaninang umaga.
Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang prosecution na patunayan ang pagkakasala beyond reasonable doubt ng mga akusado.
Kinasuhan sina Enrile, Reyes, at Napoles noong 2014 ng plunder, matapos silang akusahan na nagbulsa ng P172.8 million na kickbacks mula sa PDAF ni Enrile mula 2004 hanggang 2010.
Ilang beses na hiwalay na hinatulan si Napoles sa plunder noong 2018 may kaugnayan sa porke barrel funds ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla.
Bukod kay Enrile, kinasuhan din ng plunder sina Revilla at Senator Jinggoy Estrada dahil sa PDAF scam, kung saan sila ay napawalang-sala.










