
Mahigpit na minomonitor ng Japan ang lumalalang sitwasyon sa Middle East kasabay ng babala na mayroon itong matinding epekto sa energy security at national interests ng bansa.
Sa pahayag, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng Japan (MOFA) na ang Tokyo ay nakaantabay sa sitwasyon sa rehiyon partikular ang pag-atake ng US at Israel sa Iran.
Ayon sa Japan, may epekto ito sa global energy markets at kaligtasan ng mga Japanese citizen sa ibang bansa.
Batay sa atas mula kay Prime Minister Sanae Takaichi, nangangalap na ng impormasyon ang bansa sa pamamagitan ng komunikasyon sa iba pang bansa at ahensya.










