Nagbabala ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa epekto sa presyo ng elektrisidad ng giyera sa Middle East.

Ayon kay Atty. Nancy Aurora Fajardo, executive director ng ERC, maaapektuhan kasi ng pagtaas ng presyo ng langis ang gastusin sa power generation.

Ipinaliwanag ni Fajardo na ganito ang naging epekto noon sa presyo ng kuryente sa bansa nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran noong taong 2022.

Ang babala ng ERC ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Energy Sec. Sharon Garin na walang gaanong impact sa galaw ng presyo ng kuryente ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Ipinaliwanag ni Garin na 65% kasi ng konsumo sa langis ng bansa ay napupunta sa transportasyon, habang 3% lamang sa power generation.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang dako, tiniyak ng ERC na may sapat na supply ng kuryente ang Independent Power Producers lalo na ngayong panahon ng tag-init, bukod sa patuloy naman na nagagamit ang renewable energy.