Pumanaw na si retired general, dating executive secretary, at dating Batangas 1st District representative Eduardo Ermita kaninang umaga sa edad na 90.

Sa post sa Facebook, sinabi ng pamilya na pumanaw si Ermita kaninang 8 a.m., kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.

Si Ermita, graduate ng Philippine Military Academy Class of 1957, ay naging deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines mula 1986 hanggang 1988.

Nagsilbi rin siyang executive secretary at Defense secretary noong termino ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang presidente.

Ipinanganak si Ermita sa Balayan, Batangas, kung saan nagsilbi din siyang congressman ng 1st District ng lalawigan mula 1992 hanggang 2001.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng kanyang pamilya, si Ermita ay ang kanilang “Papa” o “Lolo Ed”-ang kanilang pinagkukunan ng lakas, wisdom at unconditional love.