TUGUEGARAO CITY-Basag ang mukha at hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang estudyante matapos bumangga sa kongretong plant box ang sinakyang motorsiklo sa bayan ng Tuao, Cagayan

Ayon kay Police Staff Sergeant Wilson Pascua ng PNP-Tuao, pauwi na ang biktima na si Jose Fernando, 18-anyos, residente ng Brgy Manag, Conner, Apayao sa kanilang lugar lulan ng kanyang motorsiklo mula sa isang pagsasalo sa bayan ng Tuao.

Nang marating ng biktima ang pakurbadang bahagi ng daan sa Brgy Centro 1, Tuao ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang biktima na sanhi ng kanyang pagkabangga sa kongretong plant box na proyekto ng nasabing barangay.

Tumama ang mukha ng biktima sa kongretong plant box na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala ,sinabi ni Pascua na posibleng nabuhay pa sana ang biktima kung suot nito ang dalang helmet.

Aniya, nakalagay umano sa siko ng biktima ang kanyang helmet nang mangyari ang insidente.