Pormal nang nakuha ng NLEX ang serbisyo ni guard Evan Nelle bilang paghahanda sa pagbubukas ng PBA Season 50 Governors’ Cup ngayong linggo.

Kasabay ng pagkuha kay Nelle ay ang paghiwalay ng Road Warriors kay Sidney Onwubere, na siyang unang major roster move sa ilalim ng bagong head coach na si Jimmy Alapag.

Mula sa Phoenix Fuel Masters, nag-ambag si Nelle ng average na 8.08 puntos, 4.54 assists, at 1.54 rebounds sa nakaraang Commissioner’s Cup.

Sa NLEX, muli niyang makakasama ang dating San Beda teammate na si Robert Bolick at palalakasin pa ang backcourt ng koponan kasama sina Kevin Alas, Schonny Winston, LJay Gonzales, at Xyrus Torres.