Tinangka umano ng dating South Korean Defense Minister Kim Yong-hyun na magpakamatay habang siya ay nasa kustodiya ng mga otoridad, ayon sa commissioner general ng Korea Correctional Service.

Ikinulong si Kim sa Aeoul noong Linggo, ilang araw matapos ang ilang oras na deklerasyon ni President Yoon Suk Yeol ng martial law na lumikha ng political crisis at ikinagalit ng maraming mamamayan ng bansa.

Si Kim umano ang nagrekomenda ng pagpapatupad ng martial law at siya ang unang personalidad na nakulong dahil sa nasabing kaso.

Sinabi ni Shin Yong-hae, the Commissioner General of Korea Correctional Service, ginawa ni Kim ang pagtatangka na kitlin ang kanyang buhay bago ang paghahain ng warrant of arrest laban sa kanya kahapon.

Ayon kay Shin, inilipat na si Kim sa isolation room ay wala naman siyang health issues.

-- ADVERTISEMENT --