Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na wala pa silang update kung kailan ang posibleng pagbabalik sa bansa ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan.

Sinabi ni Remulla, wala pang natanggap ang DILG na impormasyon kung kailan babalik ng bansa si Bonoan.

Idinagdag pa ni Remulla na wala silang communication ng dating kalihim ng DPWH.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na patuloy ang mga imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang flood control projects ng pamahalaan at wala umanong palalampasin sa mga posibleng sangkot.

Matatandaan na noong November 2025, kinupirma ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Bonoan sa gitna ng mga imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

Una ring sinabi ng Department of Justice na umalis ng bansa si Bonoan para samahan ang kanyang asawa na sasailalim sa medical procedure sa US.

Unang naglabas ang DOJ ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Bonoan.

Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure noong November 2025 ang pagsasama ng criminal at administrative charges laban kay Bonoan at iba pang opisyal ng DPWH kaugnay sa P95 million flood control project sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ng BI, dapat na bumalik na si Bonoan noong December 17, 2025, kung saan ito ang sinabi niya pagbabalik niya ng bansa.